Bawal munang lumipat sa ibang kompanya ang mga migrant workers sa Taiwan.
Ang kautusan ay ibinaba ng labor at health ministry bilang bahagi ng kampanya laban sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Tinatayang tatlong daang Pinoy ang nagpositibo sa coronavirus infection sa Miaoli county.
Ngunit inihayag naman ng Manila Economic and Cultural Office o MECO na nilinaw na rin ng Taiwan na pansamantala lamang ang nasabing polisiya.