Mariing tinutulan ng OFW o Overseas Filipino Worker group na Migrante International ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng OFW Bank.
Ayon sa grupo, pagpapakita lamang ito ng pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labor export program.
Anila, pabibilisin lamang nito ang mabilis na sistema ng pagkita mula sa mga OFW sa halip na tugunan ang ugat ng forced migration.
Iginiit ng grupo na ang dapat na tutukan ng Pangulo ay ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa para lumikha ng trabaho sa ganoong paraan ay hindi na mapilitang mangibang bansa ang maraming Pilipino.
—-