Inaasahan pang lalaki ang bilang ng migrants na tatawid ng Slovenia.
Ito ay matapos una nang makatawid ng Slovenia ang mahigit 12,000 migrants sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, nagpasaklolo ang Slovenia sa European Union para tulungan sila sa pangangasiwa sa dagsa ng migrants mula sa Croatia.
Ayon sa EU officials, nagsabi na ang Austria, Germany, Italy, Hungary, Czech Republic, Slovakia at Poland para magpadala ng police reinforcements.
By Judith Larino