Sasailalim sa surgery ang Puerto Rican boxer at kereretiro lamang na si Miguel Cotto.
Ito ay matapos magtamo ng injury si Cotto sa huli niyang laban kung saan natalo ito sa kamay ng Yemeni American boxer na si Sadam Ali via unanimous decision.
Lumalabas sa pagsusuri na napunit ang tendon ni Cotto sa braso na nagdudulot ng sobrang sakit.
Itinakda ang operasyon ni Cotto sa darating na Huwebes, oras sa Pilipinas.
Tinapos ni Cotto ang kanyang boxing career sa pamamagitan ng 41 wins at 6 losses at 33 knockouts.
—-