Handang handa na si reigning IBF junior flyweight champion Milan Melindo para sa nalalapit nitong laban kontra kay WBA light flyweight champion Ryoichi Taguchi.
Target ni Melindo na maagaw kay Taguchi ang light flyweight belt nito.
Ayon kay boxing coach Edito Villamor, matinding training ang pinagdaanan ni Melindo para sa labang ito.
Determinado aniya si Melindo sa labang ito at kumpiyansa ang kanyang kampo na maisasakatuparan ng Pinoy boxer ang kanilang mga napaghandaan sa ensayo.
Ang bakbakang Melindo at Taguchi ay gaganapin sa Japan sa mismong bisperas ng bagong taon.