Posibleng tumama ang mild surge ng COVID-19 sa bansa sa susunod na buwan.
Ito ang binabala ni health advocate na si Dr. Anthony Leachon dahil nagkakaroon na ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 dahil sa mga variant ng Omicron, paghina ng immunity ng mga bakuna at paglabag ng publiko sa public health protocols.
Ani Leachon, bagama’t mild lamang ang mga naitatalang kaso, maaari pa rin magkaroon ng long COVID-19 syndrome ang mga tinatamaan ng virus.
Samantala, isa naman sa nakikitang paraan ni Leachon ay dapat paigtingin ang pagbabakuna at pagtuturok ng booster shot sa bansa.