Idinemanda at pinagbabayad ng 300 milyong dolyar ng isang Jamaican songwriter ang singer actress na si Miley Cyrus.
Inakusahan kasi ni Michael May si Miley na ninakaw nito ang kanyang kanta na “We Run Things” na halos limampung porsyento ang pagkakahalintulad sa kantang “We Can’t Stop” ng Hollywood singer.
Batay pa sa inihaing reklamo ni Michael sa US District Court sa Manhattan, nais nitong makuha ang ilang bahagi na kinita ng kanta.
Noong August 2013 ay pumangalawa sa Billboard Hot 100 ang kantang “We Can’t Stop” ni Miley mula sa album nitong “Bangerz”.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring reaksyon si Miley at ang recording company na may hawak dito kaugnay sa inihaing reklamo ni Michael laban sa kanila.
—-