Nakatakda nang kasuhan ng Department of Justice o DOJ ang 90 suspek sa pagpatay sa 44 na miyembro ng PNP Special Action Force o SAF sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, 26 aniya rito ay mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front o MILF habang ang nalalabi ay mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at private armed groups.
Kumpiyansa ang kahilim na malakas ang mga nakalap nilang ebidensiya dahil may mga testigo aniyang magpapatunay na sinadyang patayin ng MILF ang ilang SAF commandos kahit pa batid nila na sila’y mga kapanalig o friendly force.
Dagdag pa ng kalihim, ihahain nila ang kaso sa Lunes, kasabay ng paghaharap ng mga ebidensiya sa National Prosecution Service o NPS.
By Jaymark Dagala