Itinakda na sa Nobyembre 11 at 27 ang prelimenary investigation ng Department of Justice (DOJ).
May kaugnayan ito sa kontrobersyal na Mamasapano encounter kung saan nasawi ang may 44 na miyembro ng PNP Special Action Force o SAF sa Maguindanao.
Dahil dito, ipatatawag ng DOJ ang lahat ng respondents gayundin ang mga nagrereklamo sa nasabing kaso tulad ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Nilagdaan ni Senior State Prosecutor Rosanne Bulauag ang subpoena sa lahat ng ipatatawag na may petsang Oktubre 20.
By Jaymark Dagala