Muling nanawagan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Kongreso na bilisan na ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon sa MILF, dapat harapin ng maayos ang mga nagtatangkang humarang sa pagpapasa ng panukala upang maiwasan ang mga komplikasyon dahil kung mapapatuloy ang mga kritiko ng BBL ay lalo lamang magiging magulo ang bansa at madismaya ang mga Moro.
Mas dapat anilang bilisan ang pagpapasa sa BBL lalo’t maraming kinakaharap na problema ang gobyerno na kailangan ng suporta ng publiko gaya ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
Iginiit din ng rebeldeng grupo na ang BBL ay hindi susi upang magkawatak-watak ang bansa bagkus ay tulay sa pagkakaisa at kapayapaan sa Mindanao.
By Drew Nacino