Kumbinsido si MILF Founding Chairman Murad Ebrahim na maipapasa na ang Bangsamoro Basic Law sa administrasyon n Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Ebrahim, nakikita niya ang pagpupursige ni Pangulong Duterte na magtatag ng bagong Bangsamoro government sa Mindanao.
Mahalaga anya ang “timing” sa kahihinatnan ng panukalang batas at naniniwala sila sa M.I.L.F. na ito na marahil ang tamang panahon upang maisakatuparan ang matagal ng hangarin para sa Mindanao.
Ipinunto pa ni Ebrahim na isang malaking bagay din ang matinding suporta ng Pangulo na nagmula rin sa Mindanao upang matuldukan na ang deka-dekadang kaguluhan.
By: Drew Nacino
MILF Chair Ebrahim kumbinsidong maipapasa ang BBL sa Duterte Admin was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882