Handa na ang Moro Islamic Liberation Front para sa inorganisa nitong Bangsamoro assembly bilang suporta sa Bangsamoro Basic Law, sa Maguindanao, bukas.
Ayon kay Ghadzali Jaafar, first vice chairman ng MILF at chairman ng Bangsamoro Transition Commission, nasa apatnalibong MILF members ang idineploy upang magbigay seguridad sa old capitol compound, sa bayan ng Sultan Kudarat.
Inaasahan anya nila ang pagdalo ng mga “Very important personality” tulad ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo.
Layunin ng panukalang batas na magtatag ng isang bagong autonomous government kapalit ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Magugunita noong Oktubre 29 o bago magtungo ng Japan, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na bilisan ang pagpasa sa nabanggit na bill.