Itinanggi ni Bangsamoro Transition Commission (BTC) Chairman at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Ghadzali Jaafar na sangkot ang kanilang grupo at mga taga-suporta sa pangha-harass sa mga residente ng Cotabato City.
Batay sa akusasyon ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, binabraso ng mga taga-suporta ng MILF ang kanyang mga mamamayan para bumoto sa plebisito pabor sa Bangsamoro Organic Law o BOL.
Tinawag na haka-haka ni Jaafar ang mga alegasyon ng punong lungsod ng Cotabato sabay giit na hindi gawain ng MILF ang magbanta.
“We make it sure na ang mga tao ay protected at hindi po namin nakasanayan ‘yang ugaling pagbabanta but instead ang ginagawa po natin lagi na since magsimula ang struggle na ito is to dialogue with the people and to compromise with them because MILF is an Islamic revolutionary organization and therefore we are defending the rights of the people, and how can they be treated like this when these people are members of the organization.” Ani Jaafar
Batid ni Jaafar na may ilang indibiduwal ang tutol sa BOL ngunit hindi aniya ang mismong mga mamamayan ng Mindanao.
“Doon sa motibo hindi ko po alam ‘yan pero basta tumututol raw sila, the Governor of Sulu Sakur Tan II nag-file siya ng petition sa Supreme Court opposing the BOL alleging that it is unconstitutional, also the Mayor of Cotabato City is very persistent in her opposition, and also in Lanao del Norte the Dimaporo father and son are opposing the Bangsamoro Organic Law against the will of the majority of the 6 towns in Lanao del Norte area.” Dagdag ni Jaafar
Sa kabila nito, tiniyak at kumpiyansa si Jaafar na maidaraos ng maayos at mapayapa ang plebisito para sa BOL sa Lunes.
“The plebiscite will be a very peaceful plebiscite because the government promised and committed to maintain peace and order during the plebiscite, we also appeal to the government as a whole particularly addressed to Defense Secretary Delfin Lorenzana, OPAPP Chief Gen. Galvez, to the Comelec, DILG and above all to our beloved President, that intimidation, cheating and fraud na nangyayari sa tuwing may election in this area ay hindi mangyayari sa plebisito.” Pahayag ni Jaafar
(Ratsada Balita Interview)