Umabot na sa 1,060 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga bagong sumuko sa gobyerno.
Ito ang kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikalawang bahagi ng decommissioning ng MILF combatants at weapons.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, kasabay ng pagsuko ng mga miyembro ng MILF, iba’t ibang klase rin ng baril ang isinuko kung saan umabot sa 960.
Umaasa naman si Año na magpapatuloy ang peace agreement sa pagitan ng MILF at gobyerno para tuluyan nang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Una rito, sumuko ang mga armadong grupo ng MILF kasama ang kanilang kagamitan pandigma sa Sultan Kudarat, Maguindanao kasabay ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.