Pinalaya na ng MILF o Moro Islamic Liberation Front ang unang batch ng child warriors sa isang seremonya sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat kahapon.
Kasunod na rin ito ng pasunduan sa pagitan ng MILF at UNICEF o United Nations Children Fund na ititigil na ang paggamit ng recruitment ng mga kabataan para sa pakikipaglaban.
Ayon sa UNICEF, ang naturang mga kabataan ay bahagi ng kabuuang isang libo at walong daan (1,800) child warriors sa poder ng nasabing grupo.
Siniguro naman ng UNICEF na ang mga kabataang napalaya ay matutulungang mag-aral, mabibigyan ng atensyong medikal at iba pang tulong mula sa gobyerno at mga non-government organization.
By Rianne Briones