Naiinip na ang MILF o Moro Islamic Liberation Front sa tatlong taon nang pagkaantala ng pagsasabatas sa BBL o Bangsamoro Basic Law.
Matatandaang naantala ang pagsasabatas ng BBL matapos ang Mamasapano incident kung saan nasawi ang 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF).
Ayon kay MILF Vice Chair for Political Affairs Ghadzali Jaafar, nasabi na nila ang lahat sa kanilang naging kasunduan noong nakaraang administrasyon kaya’t umaasa silang maibibigay na ang naipangakong Bangsamoro Entity.
Sa ngayon, nanatili aniyang Islamic Revolutionary Group ang MILF kaya’t hindi nila ibababa ang kanilang mga armas hanggat walang BBL.
Nagbabala naman ang grupo na posibleng may mga lumitaw pang mga grupo sa Mindanao kung matatagalan ang pagsasabatas nito.
Itinalaga naman ng Bangsamoro Transition Council sa May 18 ang dealine ng paghahain ng bagong BBL para maihain ito sa Kamara sa pagbubukas ng sesyon.
By Rianne Briones