Kapwa hindi pa rin bumibitaw ang pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front o MILF sa paniniwalang maipapasa pa rin sa kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito’y sa kabila ng mga ulat na nawawalan na nasisiraan na umano ng loob ang MILF dahil sa mabagal na pag-usad ng panukala sa dalawang kapulungan ng kongreso.
Ayon kay Government Peace Panel Chief Prof. Miriam Coronel – Ferrer, nananatili ang kanilang kumpiyansang mananatiling mahinahon ang milf kahit naaantala ang pagpasa sa BBL.
Wala aniya silang nakikitang indikasyon ng pag-aalburuto o kawalang gana sa panig ng MILF bagkus, pursigido pa rin ito sa nagpapatuloy na proseso para makamit ang ganap na kapayapaan sa Mindanao.
By: Jaymark Dagala