Tiwala ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na maisasabatas na sa lalong madaling panahon ang Bangsamoro Organic Law.
Aminado si MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar na nadismaya sila nang mabigo ang Kamara na rapitikahan ang BBL dahil sinabayan ito ng pagpapatalsik kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.
Gayunman, umaasa aniya sila na agad na itong maaksyunan ngayong natapos na ang gulo sa Kamara maliban pa sa suportado aniya ng naluklok na House Speaker Gloria Arroyo ang BBL.
Sakaling maging batas, posibleng isagawa sa taong ito ang plebisito para sa BBL upang mabuo na ang transition commission na magsisimula ng kanilang trabaho sa Enero.
“God willing, you know this Bangsamoro Organic Law will bring peace sa lugar ng Mindanao, ‘yung tawag ko’y just and dignified peace because this will be ratified by our people, itatayo ang Bangsamoro transition authority probably January or February next year, mayroon nang gobyerno ang Bangsamoro people.” Pahayag ni Jaafar
(Ratsada Balita Interview)