Tumutulong na rin ang MILF o Moro Islamic Liberation Front sa paghahanap sa dinukot na 3 dayuhan at 1 Pinay sa Samal Island.
Ayon kay MILF Vice Chairman Gadzali Jaafar, mayroon silang mga puwersa sa mga lugar na puwedeng pagdalhan sa mga hostages tulad ng sa Davao Oriental, Saranggani at Davao Oriental.
Sinabi ni Jaafar na mayroong mekanismo sa ilalim ng kanilang ceasefire agreement sa pamahalaan kung paano magtutulungan ang dalawang panig kontra sa mga kriminal at terorista.
Tiniyak ni Jaafar na nabigyan na nila ng abiso ang lahat ng MILF commanders para magmanman at kumuha ng mga impormasyon kung saan puwedeng dinala ang mga hostages na sina Kjartan Sekkingstad, isang Norweigan national, ang Canadians na sina Ridsdel at Robert Hall at ang Pinay na si Maritess Flor.
By Len Aguirre