Magiging katuwang na ng pamahalaan ang Moro Islamic Liberation Front o MILF sa kampanya nito laban sa iligal na droga.
Ito’y matapos lumagda ang MILF ng kasunduan sa gobyerno para makapaglunsad ng anti-illegal drugs operations sa kanilang mga teritoryo.
Nakasaad sa kasunduan na makikipag-coordinate sila sa isa’t isa sakaling may operasyon sa mga lugar ng MILF sa pamamagitan ng Ad Hoc Joint Action Group o AHJAG at Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH.
Ang agreement ay nilagdaan noong Hulyo 12 nina Brig. Gen. Arnel de la Vega, GPH-CCCH Chairman Brig. Gen. Glenn Macasero, MILF-AHJAG Chairman Abdul Dataya at MILF-CCCH Chairman Butch Malang.
Giit ng MILF, maglulunsad ito ng anti-shabu campaign dahil marami nang mga mamamayan ng bangsamoro ang naliligaw ng landas.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: bbc.com