Bahagyang nagkagirian ang mga pulis at mga militanteng grupo sa bahagi ng People Power Monument kaninang umaga.
Ito ay matapos paalisin ng pulisya ang mga militanteng nagsasagawa ng prayer vigil sa nasabing monumento para naman bigyang daan ang aktibidad kaugnay ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Revolution.
Gayunman, tinutulan ni Running Priest Father Robert Reyes, ang nanguna sa nasabing pagdarasal, ang ginawa ng mga pulis at iginiit na ang EDSA ay para sa mga ordinaryong tao hindi lamang sa mga may matataas na pwesto sa gobyerno.
Una nang ipinatupad ng Philippine National Police ang no permit no rally sa pligid ng People Power Monument mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Posted by: Robert Eugenio