Isandaang miyembro ng mga militanteng grupo ang lumusob sa tanggapan ng Department of Justice.
Binatikos ng mga grupong pinangungunahan ng kalikasan ang pagsasama sa mga aktibista at pribadong indibidwal sa terror list ng gobyerno tulad ng 37 environmentalists.
Naghain ng petisyon ang mga naturang grupo para bawiin ng DOJ ang terror list.
Kasabay nito iginiit ng mga militanteng grupo ang maraming infrastructure projects na makakasira sa kalikasan sa Rizal at ilan pang bahagi ng mindanao.
Ayon sa International Watchdog na Global Witness nananatili ang Pilipinas na ikalawa sa listahan ng mga lugar sa buong mundo na delikado para sa environmental defenders dahil sa pagkakapatay sa apat naput apat sa kanilang hanay nuong nakalipas na taon.