Idinaan sa kilos protesta ng ilang militanteng grupo ang paggunita sa ika – 154 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
Dinagsa ng grupong Kilusang Mayo Uno, Bagong Alyansang Makabayan at Gabriela ang liwasang Bonifacio habang ang iba naman ay nasa harapan ng Metropolitan Theater.
Halos okupado na ng mga militanteng grupo ang kalsada patungong sa Quiapo kaya nagdulot ito ng bahagyang pagsisikip sa trapiko.
Samantala, grupo naman ng mga pro – Duterte protester ang nagkikilos protesta sa Chino Roces Bridge para isulong ang revolutionary government.
Sinabi naman ni Manila Police District Director Chief Superintendent Joel Coronel na naka – deploy na ang 1,700 mga pulis para panatilihing ang kaayusan.