Nagprotesta sa tapat ng tanggapan ng department of justice ang mga militanteng grupo na mula pa sa Timog katagalugan.
Bitbit ng mga militante ang mga placard na may nakasulat na “stop extra judicial killings” at “paglabag sa karapatang pantao, itigil”.
May ilang miyembro pa ng nasabing militant group ang humiga sa semento na wari’y isa siyang biktima ng extrajudicial killings.
Samantala, nais din nilang palayasin ang mga militar sa kanayunan at dapat din anilang palayain ang lahat ng political prisoners.
By: Meann Tanbio/ (Reporter No. 25) Allan Francisco