Sumugod sa headquarter ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Krame ang nasa 80 miyembro ng iba’t-ibang militanteng grupo.
Ito ay upang ipanawagan ang pagpapalaya sa mga militanteng lider na inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Laguna at Nueva Ecija.
Ayon kay Gabriela Secretary-General Jang Monte-Hernandez, kanilang kinalampag ang administrasyong Duterte para palayain ang tatlo sa limang kasamahan nilang inaresto sa Sta. Cruz, Laguna noong Oktubre 15.
Aniya, huwebes pa nang nabigyan ng release order ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina Hedda Calderon, consultant ng Gabriela, Irineo Atadero at Edizel Legazpi.
Samantala, kasama ring naaresto ng tatlo si Adel Silvia at isang taxi driver na inupahan lamang ng mga ito.
(with report from Jaymark Dagala)
LOOK: Grupong Courage, sumugod sa Kampo Crame para ipanawagan ang pagpapalaya sa mga militante inaresto kamakailan | @dwiz882 pic.twitter.com/65tvynFOF3
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) October 19, 2018