Sumugod sa Kampo Krame ang nasa 70 miyembro ng mga militanteng grupo kabilang ang Anak Pawis at Bayan Muna.
Ito ay upang ipanawagan ang pagpapatigil sa mga pag-atake laban sa ilang miyembro ng mga progresibong grupo gayundin para itaguyod ang karapatang pantao.
Hiniling din ng mga grupo ang pagpapalaya sa mga political prisoners at ang pagbabalik ng usapang pangkapayan sa pagitan ng pamalaan at mga komunista.
Ayon sa grupong Bayan, dapat itigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang panggigipit nito sa mga lider ng mga progresibong grupo.
Dagdag pa ng mga ito, panahon na rin anila para sa pagpapatupad ng malawakang reporma sa pamahalaan.
(with report from Jaymark Dagala)