Dismayado ng bahagya ang ilang Militanteng Grupo sa SONA o State Of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay Leody De Guzman, pangulo ng BMP o Bukluran ng Manggagawang Pilipino kulang ang mga sinabi ng Pangulo sa kaniyang SONA at inulit lamang nito aniya ang kaniyang naging talumpati sa inagurasyon na sumentro sa peace and order
Sinabi ni De Guzman na hindi man lamang napahapyawan ng Pangulo ang mga isyung kinakaharap ng mga manggagawa tulad ng Contractualization, Privatization, trabaho at paglobo ng presyo ng bilihin na direktang nakaka apekto sa maralitang Pilipino
Kasabay nito ang wish ni De Guzman na matupad ang lahat ng mga ipinangako ni Duterte
By: Judith Larino