Labing-apat na sundalo ang sugatan makaraang magka-engkwentro muli ang militar at Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Army Spokesman Colonel Benjamin Hao, humigit kumulang 120 Abu Sayyaf member ang nakasagupa ng kanilang tropa sa Kan-Udong, Barangay Igasan, Patikul, Sulu, 9:00 ng umaga, Marso 3.
Mga tauhan, aniya, sila ni Abu Sayyaf Senior Leader Radillan Sahiron at Sub Leader Sawadjaan at Almuher Yadah.
Ayon kay Hao, namataan ang mga nasabing Abu Sayyaf leader kaya nila ikinasa ang operasyon.
Samantala, hindi pa matukoy ng militar kung ilan ang casualties sa panig ng mga kalaban na patuloy na binabakbakan ng militar.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal