Puwersahang lumikas ang ilang residente sa Zamboanga del Sur matapos makasagupa ng militar ang sampung (10) hinihinalang miyembro ng NPA o New People’s Army.
Nangyari ang firefight pasado ala-1:00 ng hapon sa Barangay Mati sa munisipalidad ng Tigbao, ilang araw matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceasefire sa mga rebeldeng komunista.
Ayon kay Lt. Col. Virgilio Hamos Jr., Commanding Officer ng 53rd Infantry Batallion ng Philippine Army, nagtungo ang mga sundalo sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng intelligence report na nangingikil umano ang ilang miyembro ng NPA sa mga residente roon.
Tumagal ng pitong (7) minuto ang firefight at wala namang napaulat na nasaktan sa panig ng mga sundalo at NPA.
By Meann Tanbio