Wala pang dalawang araw matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF, nagkabakbakan ang rebeldeng grupo at militar sa Malimono, Surigao del Norte kaninang umaga.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, pumunta ang tropa ng 38th Infantry Batallion at mga pulis sa nabanggit na lugar para rumesponde sa sumbong ng ilang indibidwal dahil sa extortion.
Pagdating aniya ng tropa ng pamahalaan doon, agad silang pinaputukan ng mga rebelde.
Tumagal ng limang minuto ang engkwentro na nauwi sa pagkamatay ng isang hinihinalang miyembro ng NPA.
Narekober sa pinangyarihan ng encounter ang isang AK-47 firearm, dalawang IED, mga bala at magasin ng baril.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)