Nakumpiska ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang samu’t saring mga armas, bala at iba pang war materials matapos sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng mga Sundalo at Rebelde sa bayan ng La-lo, lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command Chief, Lt/Gen. Ernesto Torres Jr, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa presensya ng mga bandido sa Brgy. Dagupan.
Nang rumesponde ang Militar sa lugar, agad pinaputukan ang mga ito ng hindi mabilang na mga armadong lalaki na siyang naging hudyat ng halos 30 minutong bakbakan.
Nagawang magsitakas ng mga kalaban kaya’t nasamsam ang mga naiwang armas, anti-personnel mines, mga bala, iba’t ibang medical supplies at mahahalagang dokumento.
Agad namang nagtalaga ng karagdagang pwersa ang Militar para magsagawa ng follow up operations gayundin ang pagpapaigting ng seguridad laban sa nalalabing miyembro ng CPP-NPA sa lugar.