Muling nagkabakbakan ang militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Davao del Sur, nitong pasko.
Naganap ang engkwentro sa isang liblib na lugar sa Barangay Sibulan, sa bayan ng Santa Cruz habang ang abala ang NPA sa ika-limampung anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay 39th Infantry Batallion Commander Lt. Col. Rhojun Rosales, unang nagpaputok ang mga rebelde subalit nagpulasan agad nang gumanti ang mga sundalo.
Naiwan ng mga NPA member ang ilan sa kanilang armas at dokumento.
Wala namang nasugatan sa panig ng mga tropa ng gobyerno habang inaalam na kung may nalagas sa hanay ng kalaban.