Nagpaghayag ng pagsuporta ang militar at pulisya sa panawagang alisin na ang martial law sa Davao City.
Ito’y kasunod ng paglagda sa panglungsod ng Davao sa isang resolusyon na humihimok sa Pangulo na alisin na ang batas militar sa siyudad.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Felimon Santos, nagkaroon ng malaking pagbabago sa sitwasyong pangseguridad sa Davao City.
Hindi na aniya masama kung hilingin ng konseho sa Pangulo na alisin na martial law.
Gayunman nasa punong ehekutibo pa rin umano ang pinal na desisyon.