Naka-alerto ang militar at pulisya sa lalawigan ng Cagayan kasunod ng pagkakahuli sa isang mataas na lider ng NPA o New People’s Army sa Peniablanca, Cagayan.
Bunga ito ng pangamba na umatake ang NPA upang sagipin ang kanilang lider na kinilalang si David Soriano alias Jerome Antonio Y Sabban, kalihim ng Northern Front, komiteng rehiyon hilagang silangang luzon ng NPA.
Kasamang nadakip ni Soriano ang kanyang driver na nakilalang si Jude Malana Cipriano.
Naglagay na ng checkpoints ang Philippine National Police o PNP sa mga posibleng daanan ng mga rebelde sa mga bayan ng Sto. Niño at Amulung sa Cagayan.
Si Soriano ay No. 1 sa target list ng otoridad sa Region 2 dahil sa limampung (50) kaso ng panununog, pagpatay at iba pa.
Suspect rin umano si Soriano sa pagpatay kay Mayor Carlito Pentocostes, Jr noong 2015 at pag-ambush sa mga kagawad ng PNP sa Baggao Cagayan noong Pebrero ng nakaraang taon na ikinasawi ng anim (6) na pulis at ikinasugat ng sampung (10) iba pa.
By Len Aguirre