Balik operasyon na ang Armed Forces of the Philippines laban sa Abu Sayyaf sa Sulu.
Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander, Brig. Gen. Alan Arrojado, nakatanggap sila ng impormasyon na nasa 200 miyembro at commander ng ASG ang mag-aassemble sa ilang bahagi ng Sulu ngayong linggo.
Agad anyang nag-deploy ang AFP ng mga tropa sa mga bayan ng Indanan, Patikul at Talipao kung saan sinasabing pupulungin ni ASG Senior Leader si Radullan Sahiron ang kanilang mga miyembro.
Inaasahan din sa naturang aktibidad ang ilang sub-commander gaya nina Hatib Hajan Sawadjaan, Yasser Igasan, Mohammad Said at Muammar Askali.
Samantala, anim na dayuhang terorista na may kaugnayan sa Jemaah Islamiyah ang namataan kasama ng ASG.
By Drew Nacino