Wala pang impormasyon at ebidensyang magpapatunay na nakalusot na ang mga kaalyado ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa bansa.
Paninindigan ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa kabila nang pagkakapatay sa ilang teroristang sinanay at kaanib umano ng ISIS.
Kabilang dito si Moroccan terrorist bomber Mohammad Khattab na malawak umano ang koneksyon sa international terrorists tulad ng ISIS.
Ayon kay Padilla, maaaring may mga local terrorist group na nakikisimpatiya sa ISIS na gumagawa ng karahasan para mapansin at kilalanin ng ISIS.
By Judith Larino