Kinumpirma ng militar na bubuo sila ng sariling grupo ng mga Cyber Warriors bilang pangontra sa mga ‘cyber terrorists’.
Ipinabatid ito ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo matapos ang isinagawang tatlong araw Cybersecurity Summit sa Camp Aguinaldo na layong tugunan ang mga bagong banta sa cybersecurity.
Kabilang sa mga highlights ng summit ang paglatag ng cyber-security roadmap na layong gawing fully capable ang AFP o Armed Forces of the Philippines na makipaglaban hindi lamang sa ground, air at sea, kundi maging sa cyberspace pagdating ng 2022.
Iginiit ni Arevalo na kailangang sabayan ng AFP ang mga makabagong pamamaraan ng pakikipaglaban upang mapanatili ang kanilang superiority sa mga kalaban.
By Meann Tanbio