Welcome sa militar sa plano ng Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang engkwentro sa Batangas na ikinasawi ng nasa labing apat (14) na mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA.
Ayon kay southern Command Acting Commander Major General Roderick Parayno, kumpiyansa silang NPA members ang kanilang nakabakbakan sa Nasugbu.
Iginiit ni Parayano na isang palatandaan ay ang bitbit ng mga itong M16 rifles at mga nakasukbit pang mga bala sa katawan.
Kasabay nito, umaasa si Parayno na magiging patas ang isasagawang imbestigasyon ng CHR.
Magugunitang kabilang sa mga nasawi sa engkwentro ang 22 anyos na dating estudyante ng University of the Philippines (UP) Manila na si Josephine Lapira.