Humihirit pa ng karagdagang panahon ang militar kaugnay sa tuluyang pagwawakas ng bakbakan sa Marawi City.
Ito ay matapos mabigong mapalaya sa kamay ng Maute ang Marawi sa itinakdang deadline ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na Oktubre 1.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, Commander of the Western Mindanao Command (WESMINCOM), aabot pa umano sa 46 na indibiduwal ang bihag pa rin ngayon ng Maute kaya kinakailangan pa nila ng panahon.
Ngunit pagtitiyak naman ni Galvez na close quarter combat na ang pagkilos ngayon ng militar laban sa Maute matapos mabawasan sa mga nakalipas na araw ang lawak ng sakop ng bakbakan.
—-