Ibinunyag ng Philippine Army ang plano sanang pambobomba ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Mindanao.
Ito ay makaraang madiskubre ng mga militar ang tatlong improvised explosive device (IED) sa ilang mga lugar sa Maguindanao.
Gayunman, sinabi ni Major General Cirilito Sobejana, Commander ng Army’s 6th Infantry Division na hindi nagtagumpay ang BIFF sa kanilang plano matapos maka-engkwentro ng kaniyang mga tauhan ang mga ito sa Sitio Landing Fish Baranga Sultan sa bayan ng Barongis.
Dito aniya naiwan ng BIFF ang ilang IEDs na gawa mula sa mga bala ng 81mm mortar.
Naniniwala naman si Sobejana na layon ng grupo na guluhin ang nakatakdang plebisito sa rehiyon kaugnay sa panukalang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ang BIFF ay binubuo ng ilang mga tumiwalag na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
—-