Inaalam na ng militar kung may tinamaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa inilunsad na airstrike sa Maguindanao noong Lunes.
Ayon kay 6th Infantry Division Spokesman, Capt. Elvin Encina, hindi pa kumpirmado ang lumabas na ulat na may 11 BIFF members ang napatay sa airstrike.
Hindi pa rin anya tiyak kung kasama ng mga bandido ang isang singaporean na miyembro ng Jeema Islamiyah.
Tiniyak naman ni Encinas na patuloy ang kanilang military operations upang madakip ang leader at mga miyembro ng BIFF kahit wala namang nangyayaring aktuwal na engkwentro laban sa mga bandido.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal