Inamin ng militar na masalimuot ang operasyon nila para matukoy ang kinaroroonan ng 4 na biktima ng kidnapping sa Samal Island sa Davao del Norte.
Sinabi ni Capt. Roy Vincent Trinidad, Spokesman ng Task Force Zambasulta na marami pa silang dapat tuntunin bagamat proof of life na ng mga biktima ang lumabas na video sa social media.
Ayon kay Trinidad, kailangang malaman kung kailan kinunan ang video dahil posibleng hindi na ito ang kondisyon ngayon ng mga bihag kumpara sa panahong kinunan ang video.
Dapat din aniyang tutukan kung saan kinunan ang video para magka-idea sila sa target area.
Inihayag pa ni Trinidad na wala pang nakikipag-ugnayan sa kahit kaninong otoridad ang mga suspek para sa demand.
Binigyang diin ni Trinidad ang tactical operation na ginagawa ng AFP at PNP para mailigtas ang mga biktima.
By Judith Larino