Itinanggi ng militar na galing sa kanila ang bombang tumama sa mga bahay sa bahagi ng Marantao Lanao del Sur na itinuturing na safe zone kahapon ng umaga.
Ayon kay Western Mindanao Command at Joint Task Force Marawi Spokesperson Captain Joan Petinglay, wala silang ginamit na artillery na aabot ng ganun kalayo.
Aniya, posibleng galing sa mga terorista ang mga nasabing bomba.
Gayunman, hinala ng mga residente galing sa militar ang mga sumabog na bomba at aksidenteng naiputok sa direksyon sa labas ng Marawi City.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang AFP o Armed Forces of the Philippines kaugnay sa insidente.
By Krista de Dios | (Ulat ni Jonathan Andal)