Kumbinsido ang militar na mahina na ang puwersa at halos wala nang bala ang Maute Terror Group sa Marawi City.
Ayon kay Lt. Col Jo-Ar Herrera, pumapalo na sa dalawandaan at limamput pito (257) ang naitala nilang napatay sa panig ng kalaban kaya’t posibleng nasa isandaan (100) o isandaan at dalawampu (120) na lamang ang natitirang terorista sa Marawi City.
Gayunman, sinabi ni Herrera na nasa apat na raang (400) sibilyan pa rin ang nata- trap sa Marawi City at mahigit isandaan (100) dito ang ginagamit na human shield ng Maute Group.
Dahil dito, hindi na muna anya gagamit ng airstrike ang militar at sa halip ay umuusad na ang tropa para sa isang close combat.
Nasawing evacuees pumelo na sa 24
Pumalo na sa dalawamput apat (24) ang nasawing evacuees mula sa Marawi City.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, karamihan sa mga nasawi ay dahil sa mga dati na nilang sakit tulad ng cancer at sakit sa kidney.
Hindi rin anya namatay ang mga ito sa evacuation centers kundi sa mga ospital dahil mayroon syang direktiba na idiretso sa ospital ang sinumang evacuee na may sakit.
Una rito, itinanggi ni Ubial ang mga ulat na umabot na sa limamput syam (59) ang nasawing evacuees mula sa Marawi City.
Nagkamali lamang anya ng dinig ang isang reporter sa naging sagot nya sa katanungan.
By Len Aguirre