Kumikilos na ang militar upang mailigtas ang mga hostages na hawak ng Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng AFP o Armed Forces of the Philippines, nakikipag ugnayan sila sa mga civil organizations na ang layunin ay makapagligtas ng sibilyan.
Ang mga grupong ito anya ang nagsasagawa ng back channel talks upang mapalaya ang mga hostages na kinabibilangan ni Father Teresito Chito Suganob, ang Vicar General ng Marawi City at dalawandaang (200) iba pa.
Una nang kumalat ang video ni Father Suganob na umaapela ng tulong sa pamahalaan.
Defense Department naglabas na ng martial law warrant of arrest
Naglabas na ng martial law warrant of arrest ang Department of National Defense o DND laban sa mga di umano’y sangkot sa pag -take sa Marawi City.
Laman ng kalatas na ipinalabas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang martial law implementor ang isandaan at dalawamput limang (125) mga pangalan ng mga di umano’y miyembro, mga tigasuporta at mga espiya ng Maute Group at Abu Sayyaf.
Inatasan ni Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para sa mas matinding imbestigasyon.
Tatlong araw lamang ang ibinigay ni Lorenzana sa mga law enforcement agencies para kasuhan sa Department of Justice o DOJ ang mga suspects sa sandaling sila ay maaresto.
Mga may apelyidong ‘Maute’ dumulog sa NBI
Isa-isa nang dumudulog sa NBI o National Bureau of Investigation ang mga may apelyidong ‘Maute’ na napasama sa lookout list na ipinalabas ng pamahalaan.
Laman ng listahan ang labing walong (18) pamahalaan ng mga tao na di umano’y tumulong sa Maute Group na umatake sa Marawi City.
Nagtungo sa NBI ang labing walo (18) kataong may apelyidong Maute kabilang ang isang dalawang (2) taong gulang na bata na ipinanganak noong September 20, 2014.
Ang grupo ay sinamahan ni National Commmission on Muslim Filipinos South Luzon Regional Director Dalomilang Parahiman na syang nagpatunay na bagamat marami sa kanila ay galing ng Lanao del Sur, hindi sila konektadao sa teroristang Maute.
By Len Aguirre