Patuloy na binabantayan ng AFP-Northern Luzon Command ang Panatag o Scarborough Shoal sa gitna ng akusasyon ng Amerika laban China kaugnay sa pinag-aagawang Spratly Islands.
Ayon kay NOLCOM Chief, Lt. Gen. Romeo Tanalgo, regular ang pagpa-patrol ng kanilang mga naval at air assets sa Benham Rise at Panatag Shoal.
Tiniyak din ni Tanalgo na handa ang kanilang search and rescue at patrol assets para sa mas apektibong pagpapatupad ng maritime law sa mga nabanggit na lugar.
Magugunitang muling nagbalala si US Defense Secretary Ashton Carter na handang umaksyon ang Amerika kung ipagpapatuloy ng Tsina ang construction activities nito sa mga pinag-aagawang isla.
By Drew Nacino