Muling nagsagawa ng airstrike ang militar laban sa Maute Group sa Marawi City kaninang alas-2:00 ng madaling araw.
Batay sa ulat, nasa tatlong OV-10 bomber planes ang naghulog ng mga bomba sa bahagi ng lungsod na pinagkukutaan ng teroristang grupo.
Ayon kay Lanao del Sur Spokesman Zia Alonto Adiong, hindi mapipigil ng patuloy na bakbakan ang kanilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa kapitolyo.
Samantala, ibubuhos na ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang lahat ng firefighting capabilities para tapusin na ang Maute Group sa Marawi City na patuloy na nakikipagbakbakan sa militar.
Ito ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tugon nila sa pinapakawalang sniper fires, mortar fire, anti-tank rounds at IED’s ng Maute Group para makapatay ng kahit sino at makapanira ng mga ari-arian kabilang na ang simbahan.
Tiniyak ni Lorenzana na ipagpapatuloy ng militar ang pakikipaglaban sa teroristang grupo hanggang maubos ang mga ito at tuluyang bumalik sa normal ang buhay ng mga taga-Marawi City.
Kasabay nito, ipinabatid ni lorenzana na magpapatupad sila ng security adjustments dahil sa maraming casualties sa hanay ng militar.
By Judith Larino / Krista de Dios
Militar muling nagpakawala ng mga bomba sa Marawi City was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882