Pansamantalang itinigil ng militar ang operasyon laban sa Maute group sa Marawi City kaninang umaga.
Ito’y para bigyang-daan ang pagdarasal ng mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ngayong araw.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ay nanahimik ang Marawi mula sa mga putukan.
Pero sa ngayon balik na uli ang opensiba ng mga sundalo laban sa mga terorista.
Noong Hunyo, nagdeklara rin ang militar ng tigil-putukan sa Marawi bilang paggalang naman sa Eid’l Fitr.
By Jonathan Andal