Nagpaulan ng mga info leaflets hinggil sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang militar sa bahagi ng Eastern Mindanao.
Gamit ang mga choppers ng Armed Forces of the Philippines (AFP), inilalaglag sa mga komunidad sa Caraga Region ang mga inihandang information leaflets para maipaabot ang mga mahahalagang impormasyo kaugnay ng COVID-19 at ano ang mga halbang ng gobyerno sa paglaban nito.
Sa impormasyon mula sa Joint Task Force Diamond ng Eastern Mindanao command, umaasa ang militar na malaki ang maitutulong nito para maiwasan ang pglobo pa ng bilang ng mga naapwktuhan ng nakamamatay ng COVID-19.
Ginamit ng Eastern Mindanao command ang mga chopper ang tactical operations group 10 na nakabase sa Cagayan De Oro at ng 4th Infantry Division Airdrop 15.
Bukod dito, nagpapatuloy parin ang pagkilos ng AFP sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kani-kanilang areas of concern.
Samantala, nagpasalamat si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa donasyon mula sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Association, na binubuo ng 1,000 sets ng personal protective equiptment, o PPE para sa mga health frontliners.
Pinangunahan ni PMA Alumni Association Chairperson Retired Gen. Edgar Aglipay ang turn over ng mga PPE kay Defense Sec. Lorenzana.