Sa kabila ng idineklarang holiday ceasefire ng New People’s Army (NPA), nakaalerto pa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na sa Bicol.
Ayon kay Army Col. Claudio Yucot, commanding officer ng Army’s 901st Infantry Brigade, masaya sila sa unilateral declaration ng ceasefire ngayong Yuletide season.
Gayunman, nananatiling nasa alert status ang militar bunsod ng umano’y mga insidente ng pag-atake ng npa sa kabila ng tigil-putukan.
Sinabi naman ni Yucot na kalahati sa kanyang mga tauhan ay nagdiwang ng Pasko sa piling ng kani-kanilang mga pamilya.
Una nang nagdeklara ang Communist Party of the Philippines Central Committee ng holiday truce mula December 23, 2015 hanggang January 3, 2016.
Kasunod nito, ipinag-utos naman ni Pangulong Noynoy Aquino ang suspension of military operations o SOMO laban sa NPA.
By Jelbert Perdez